-- Advertisements --
image 102

Aprubado na sa pangatlo at panghuling pagbasa sa Kongresso ang House Bill No. 7354 na naglalayong magtayo ng evacuation centers sa mga lungsod at iba’t ibang munisipalidad sa bansa.

Ito ay magsisilbing temporary accommodation ng mga tao sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, maaari ring para sa mga biktima ng sunog, o kahit illness outbreak.

Umani ito ng 307 na boto samantalang isa lamang ang hindi sang ayon dito.

Sa panukalang batas na ito, binibigyang prioridad ang pagpapatayo sa mga probinsya, lungsod at mga munisipyo.

“It shall be the policy of the State to uphold the constitutional right of the people for the protection of their life and property and the promotion of the general welfare. Towards this end, the State shall establish and maintain a safe, fully-equipped, and fully-operational evacuation center, responsive to environmental or climatic events, in recognition of the vulnerability of the Philippines to climate change, and hazards such as the occurrence of severe floods, typhoons, and other natural or human-induced disasters, illnesses, diseases and other factors that affect the environment,” ayon sa nakapaloob sa panukalang batas.

Samantala, ang mga dati nang naipatayo na evacuation centers ay maaari namang e upgrade lamang nang sa gayon ay maging pasok ito sa minimum requirements.

Nakasaad din sa panukalang batas na ang inisyal na budget na gagamitin sa pagpapatayo multi-purpose gyms bilang evacuation centers ay magmumula sa Department of Public Works and Highways.

Ang budget naman para sa pag upgrade ng mga school facilities na ginagamit bilang evacuation center ay magmumula sa Department of Education.

Matatandaan na base sa market research provider statista, ang Pilipinas ay nasa may Pacific Ring of Fire kaya naman madalas ang mga lindol, volcanic eruption, pagbaha at malalakas na ulan, dahil dito higit na kailangan ang evecuation center sa buong bansa.