Tinitingnan ng The Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtatayo ng fleet base sa Subic, Zambales.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, kasalukuyan na nilang tinutukoy ang posibleng lokasyon na mapagtatayuan ng mga port facilities na makakayang makapag-accomodate ng mga mas malalaking barko ng bansa.
Malaki aniya ang potensyal ng Subic area dahil sa akma ito sa naturang proyekto.
Ang plano ng PCG ay kasabay na rin ng patuloy na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, kung saan ang Zambales ay isa sa pinakamalapit na probinsyang nakaharap sa naturang karagatan.
Ayon kay Gavan, kung maisasakatuparan ang kanilang plano ay tiyak na matutulungan ang pamahalaan sa pagbabantay nito sa mga teritoryo ng bansa na nakaharap sa West Phil Sea.
Maliban sa Subic, posible rin aniyang puntahan din ng PCG at pag-araalan ang iba pang lokasyon sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Isa rito ay ang Manila Bay, dito sa National Capital Region.