-- Advertisements --
remulla

Itinigil muna ng Department of Justice ang pagtatayo ng isang gusali kasunod ng pagkakatuklas ng mga labi ng kalansay sa lugar ng paghuhukay base sa payo ng mga eksperto.

Inimbitahan ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun, social anthropologist na si Dr. Maria Teresa De Guzman at archaeologist na si Dr. Michael Canilao upang siyasatin ang lugar kung saan natagpuan ang mga labi.

Kailangan nilang suriin ang social context ng lugar, lalo na dahil ang mga labi ay inalis na ng National Bureau of Investigation noong Huwebes.

Ang unang hakbang aniya ay suriin ang stratigraphy o ang komposisyon ng lupa, na inaasahan nilang masisimulang gawin sa Lunes.

Ang pagtatayo ay para sa isang gusali ng library sa loob ng DOJ compound, isang proyekto na binanggit ni Remulla, na naantala na.

Noong Huwebes, isang bungo na may butas at ilang skeletal remains ang nakuha at sinuri ng National Bureau of Investigation Forensic Division.