Nanawagan ang House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources ang Department of Agriculture (DA) na bigyan ng pantay pantay na pansin ang pagpapaunlad ng mga modernong pasilidad upang mapalakas ang produksyon ng isda at makatulong sa pagbaba ng produksiyon ng isda West Philippine Sea (WPS).
Sa pangunguna ni Representative Brian Raymund Yamsuan na siyang chairman ng Komite,nakiisa si House Minority Leader at 4PS Partylist Rep. Marcelino Libanan sa panawagan sa DA, sa pamamagitan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), na magtayo ng mas maraming fish port at cold storage facilities sa Samar, Leyte at sa iba pang probinsiya sa Visayas sa eastern seaboard ng bansa.
Sa pagdinig ng komite, hinimok din ni Yamsuan ang PFDA na gawing mas maaga ang timeline ng pagtatayo ng fishport sa munisipyo ng Oras, Eastern Samar sa 2025 o 2026, sa halip na orihinal na iskedyul na 2028.
Parehong binigyang diin nina Yamsuan at Libanan na ang 2028 schedule para sa pagtatayo ng Oras fishport ay nagtampok sa tila mababang prayoridad na ibinigay ng PFDA sa pag unlad ng industriya ng pangingisda sa easte.
“This is ironic considering that the eastern seaboard is alongside one of the most productive portions of our waters in terms of fisheries resources. The provinces along the eastern seaboard have more than a 100 coastal municipalities dependent on fishing as their main source of livelihood, and a coastline stretching more than 2,000 kilometers,” pahayag ni Yamsuan said.
Ayon kay Yamsuan nais nitong makausap si Agriculture Secretry Francisco Tiu Laurel Jr. na madaliin ang pagtatayo ng fishport sa Oras at maging ang iba pang mga proyekto at programa sa eastern seaboard.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa unang kalahati ng 2024, bumaba ng 6.78 porsiyento ang fish catch sa WPS at naging 101,039.54 metric tons (MT) mula sa 108,392.48 MT para sa kaparehong panahon noong 2023.
“According to the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), the country’s fish spoilage is at 25 to 40 percent. This is because of the fact that we lack modern facilities like fish ports with cold storages to reduce post-harvest losses. These are what we need in Eastern Samar and other provinces along the eastern seaboard, so that they can contribute more to our fisheries output,” pahayag ni Libanan.