-- Advertisements --

Walang nakikitang problema ang Defense Department sa pagtatayo ng mga bagong facilities sa mga teritoryo ng Pilipinas sa may bahagi ng West Philippine Sea.

Sa mensahe na ipinadala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Bombo Radyo kaniyang sinabi na nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ng mga facilities sa siyam na isla na bahagi ng Kalayaan island group kabilang ang Pagasa para sa kapakanan ng mga sundalo na nagbabantay sa mga lugar maging ang mga residente na nakatira sa mga nasabing isla.

Sinabi ni Lorenzana na partikular na nais ng pangulo ay magtayo ng mga barracks para sa mga sundalo na nagbabantay sa mga nasabing isla, magkaroon ng water (desalination) and sewage disposal systems, power generators (conventional and renewable), light houses at mga shelters para sa mga mangingisda.

Mga sundalo mula sa Philippine Marines ang kasalukuyang nababantay sa ilang mga isla partikular sa may bahagi ng Ayungin Shoal.

Nasa siyam na isla na sakop sa teritoryo ng Pilipinas ang matagal ng binabantayan sa ngayon.

Sa kabilang dako, ayon naman kay AFP Spokesperson BGen Restituto na nais lamang ng Pangulong Duterte na maging maayos ang kapakanan ng mga sundalo lalo na ang kanilang mga living conditions, magkaroon ng improvement sa kanilang mga kagamitan.

“We have nine islands in the Kalayaan Island Group or KIG that are already in our possesion since long ago including Pag asa. We have PMar troops in everyone of them. The Pres wants facilities built such as: barracks for the men, water (desalination)and sewage disposal systems, power generators(conventional and renewable), light houses, and shelters for fishermen,” mensahe na ipinadala ni Sec Lorenzana sa Bombo Radyo.