Nababahala si Anakalusugan Partylist Representative Ray Reyes sa datos ng Department of Health (DOH) kung saan nagpapakita na nasa 3.6 million Filipino ang nakakaranas ng mental, neurological and substance use disorder.
Sinabi ng mambabatas, maraming Pilipino na ang naghihirap mula sa mental health issues kaya panahon na para tugunan ito.
Dagdag pa ni Reyes, sa ngayon limitado pa rin ang mental health services na ibinibigay ng gobyerno dahil sa stigma at kakulangan ng resources.
Aniya, nakakalungkot na marami pa rin sa mga kababayan natin lalo na sa probinsiya ang walang access sa mental health care.
Isinusulong ni AnaKalusugan Party-list Rep. Reyes na siyang co-authored ng House Bill (HB) No. 3582, o ang proposed Mental Health Center Establishment Act na layong gawing accessible sa mga probinsiya ang mental health care.
Ayon sa Kongresista dapat gawin ng prayoridad ng gobyerno ang pagtatayo ng mental health centers sa ibat ibang rehiyon sa bansa.
Sa ilalim ng nasabing panukala, inaatasan ang DOH na magtayo ng mga centers sa ibat ibang probinsiya at rehiyon sa bansa ng sa gayon maging accessible ito sa ating mga kababayan.