-- Advertisements --

Upang mapigilan ang pagkalat ng mga sakit ng hayop , ipinag-utos ngayon ng Department of Agriculture sa pamunuan ng Bureau of Animal Industry ang pagtatayo ng quarantine stations sa National Capital Region.

Ito ay para masalang mabuti ang mga pumapasok na livestock, poultry at meat product sa buong Metro Manila at sa mga katabing lugar nito.

Ayon sa DA, makatutulong ang proyektong ito upang mapigilan ang pagkalat ng mga sakit ng hayop tulad na lamang ng ASF at avian influenza o bird flu.

Nakakaapekto kasi ang mga sakit na ito sa supply ng mga manok at baboy sa mga merkado dahilan para tumaas ang presyuhan nito.

Makatutulong rin ito upang matiyak na ligtas ang kalusugan ng publiko at maging ang food security.

Una nang naitala ang ilang kaso ng ASF lalo na sa Region IV-A at naiulat rin ang panibagong kaso ng naturang sakit sa mga lugar na dati nang tinamaan nito.

Malaking banta rin ang highly-pathogenic avian influenza sa mga local poultry industry.