-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Tourism (DOT) ang pagtatayo ng tourist rest areas sa mga lugar na pinapasyalan ng maraming tao.

Ayon sa ahensya, mismong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang nagsulong na maisakatuparan ang naturang proyekto.

Ang tourist rest area ay lugar na kompleto mula sa lounge area, charging station, restrooms at shower, lactation room para sa breastfeeding mothers, information center at pasalubong center na pinatatakbo ng local micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Sinimulan ang pagtatayo ng nasabing istraktura sa Municipality of Roxas sa lalawigan ng Palawan.

“The facility in Roxas is part of the initial batch of TRAs broken ground on by the DOT since last year through its infrastructure arm, the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA),” saad ng kalatas mula sa DOT.