-- Advertisements --

Hindi na mapipigilan ang gobyerno sa pagtatayo ng mega vaccination facility sa Nayong Pilipino.

Ito ay kahit na nagkaroon ng kaliwa’t-kanang kontrobersiya.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mayroon ng Memorandum of Agreement (MOA) ang nakahanda.

Inaayos lamang niya ang ilang mga detalye bago pirmahan ang nasabing MOA.

Aprubado ito ng Department of Tourism, Department of Health at ngayon ay dumadaan sa masusing pagsisiyasat ng Government Corporate Counsel.

Magugunitang napilitang magbitiw si Nayong Pilipino Foundation (NPF) executive director Lucille Isberto dahi sa hindi pagkakaunawaan kay International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) chairman Enrique Razon.

Kinukuwestiyon kasi ni Isberto ang environmental impact ng proyekto at ang legalidad nito noong malaman niya na pribado ang magpapatakbo ng pasilidad.