-- Advertisements --

Mariing umalma ang grupo ng Shi’ite militia ng Iraq sa pagkakadeklara ng Estados Unidos sa Islamic Revolutionary Guards Corp (IRGC) ng Iran bilang isang terrorist organization.

Sa pahayag ng mga grupo, nakikiisa raw sila sa Muslim people at sa revolutionary Guards na nakatulong umano para hindi mapasakamay sa mga militanteng Islamic State ang apat o limang mga estado.

Noong nakaraang linggo nang sabihin ni US President Donald trump na tatawagin daw niton bilang mga terorista ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran.

Ang nasabing aksyon ni Trump ang unang pagkakataon na opisyal na tinawag ng Amerika ang militar ng ibang bansa bilang isang terrorist group.

“This is laughable coming from the number one sponsor of terrorism, America,” wika ng isa sa mga tagapagsalita ng Badr Organisation.

“We reject this action from America and say we have honor to be in the Islamic resistance that fought and beat terrorism,” saad naman ng isang spokesman ng Fateh coalition.

Una nang winika ni Iraqi Prime Minister Adel Abdul Mahdi na ang pasya ng Washington na tawaging terorista ang IRGC ay makakasama umano sa kanyang bansa. (Reuters)