-- Advertisements --
Senator Imee Marcos
Senator Imee Marcos/ FB photo

LAOAG CITY – Binigyang diin ni Senator-elect Imee Marcos na nagbibiro lamang siya sa sinabi niyang tatawag ito ng Igorot para basbasan ang magiging opisina nito sa Senado.

Napag-alaman na ang magiging opisina ni Marcos ay ang opisina ni outgoing Sen. Antonio Trillanes IV.

Subalit nagalit ang grupo ng mga Igorot sa naging pahayag ni Marcos na ipapatawag daw nito ang “kanilang mga Igorot.”

Iginiit ng grupo na hindi sila pagmamay-ari ni Marcos at ang pagsayaw sa isang Marcos ay sayaw ng kahihiyan.

Ipinaliwanag naman ni Marcos na wala itong ibig sabihin at nagbibiro lamang daw ito.