-- Advertisements --
Target ngayon ng Department of Health (DOH) na magtatag ng limang sub-national laboratories sa ginta na rin ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni Health Asec. Kenneth Ronquillo na tanging ang Research Institute for Tropical Medicine ang may kakayahan na makapagsagawa ng confirmatory tests sa panibagong outbreak na ito.
Iginiit ni Ronquillo ang kahagahan nang pagtatatag ng limang sub-national laboratories ngayong dumarami aniya ang bilang ng mga indibidwal na binabantayan sa posibilidad na nahawa sa COVID-19.
Sa ngayon, sinabi ng DOH na 382 na ang bilang ng Persons Under Investigation (PUIs) ang mayroon sa bansa, habang 413 naman ang Persons Under Monitoring (PUMs) hanggang nitong Martes.