-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na prayoridad ng kaniyang administrasyon na bigyan ng disente at abot kayang housing units sa mga kababayan nating mahihirap.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isinagawang groundbreaking ceremony para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project – Batasan Development and Urban Renewal Plan.

Aminado ang Pangulo na ilan sa mga beneficiaries sa housing project ay walang kakayahan na makapagbayad ng buwanang amortization kaya gagawa ng paraan ang gobyerno para makakuha ng kaukukang housing interest support para sa taong 2023.

Sabi ng Pangulo na siya at si Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ay naghahanap ng paraan para maglagay ng subsidy fund para sa government housing program na may P1 billion seed money.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang DHSUD, local government units (LGUs) at lahat ng stakeholders na ituloy ang kanilang magandang gawain na may transparency at buong katapatan sa kanilang mga transaksiyon.