-- Advertisements --

Inihahanda na ng Center for International Law (CenterLaw) ang mga inirerepresenta nitong biktima ng umano’y extrajudicial killings, kasunod ng itinakdang confirmation hearing para sa kaso ni dating Pang. Rodrigo Duterte na crimes against humanity sa International Criminal Court.

Ayon kay International Criminal Court (ICC)-accredited lawyer Atty. Gilbert Andres, ang buong process ng ICC at isang victim-centered process.

Isasagawa ang proceeding aniya upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima na matagal na panahong pinagkaitan nito.

Dahil dito, regular ang ginagawa ng CenterLaw na orientation sa kaanak ng mga biktimang inirerepresenta nito upang matiyak na hindi mapag-iwanan sa progreso ng kaso, habang tinutukoy din ang timeline ng isasagawang proceeding para masigurong transparent ang pag-usad ng kasi.

Gayonpaman, hindi aniya gaanong marami ang kinakailangan sa isasagawang pagdinig dahil hindi naman lahat ng testigo ay iprepresenta.

Kailangan aniyang maisagawa ito sa paraang masuportahan ang kaso laban sa dating pangulo.

Giit ni Atty. Andres na siya ring nagsisilbing executive director ng CenterLaw, ang ‘goal’ ng ICC ay upang matukoy ang katotohanan sa likod ng nangyaring mga patayan, kasabay ng pagtiyak na ang standards para sa international human rights ay napapanatili.

Giit ng abogado, mahalagang regular ding maimpormahan ang mga biktima ng EJK dahil sila ang pangunahing dahilan kung bakit sinimulan ng ICC ang imbestigasyon nito sa Pilipinas.