-- Advertisements --

Aminado si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na may epekto sa pagbibilang ng mga Covid-19 cases sa bansa ang pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa pag proseso ng mga nakukuhang specimen mula sa mga kakababayan natin na sumailalam sa RTPCR tests.


Sa panayam kay Sec Año, sinabi nito na mahalaga na magkaroon ng maraming testing centers na nagpo proseso sa mga specimen ng sa gayon magkaroon ng accuracy sa bilang ng Covid-19 cases.

Ayon sa kalihim, dahil sa pagtigil ng Red Cross sa kanilang operasyon may mga numero ang maantala dahil balik sa manual ang bilangan.

Pero hindi naman daw malaki ang discrepancy sa bilang ng mga naitatalang kaso dahil may sapat na mga testing centers and laboratories pa naman ang nakatutok dito.

Umaasa ang kalihim na maayos na ang isyu ng Philhealth sa Red Cross ng sa gayon dumami pa ang mga testing centers at testing laboratories para mas maging accurate ang bilang sa Covid-19 cases.

Karamihan kasi sa kini-cater ng Philhealth ay ang mga dumarating na OFW at mga returning Filipinos.

Inihayag din ni Año na ang pinanggagalingan ng maraming cases ngayon ay mula sa mga work places at komunidad.

Suportado rin ng kalihim ang rekumendasyon ng MMDA at Metro Manila mayors na palawigin pa hanggang sa katapusan ng taon ang GCQ sa kalakhang Maynila ito ay dahil nananatiling epicenter ng Covid-19 ang NCR.