Kumbinsido ang ilang mga mambabatas na nagkaroon ng failure of elections sa nagdaang halalan.
Ito ang sentimyento ng ilang kongresista sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Public Affairs nitong Lunes hinggil sa audit obervations sa suppliers at contractors ng 2019 midterm elections.
Sa naturang pagdinig, iprinisenta ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga archive ng ginamit ng balota sa mga halalan mula 2010 hanggang 2019.
Natukoy ng mga kongresistang dumalo sa hearing na nitong 2019 midterm elections lamang inilagay sa likod ng mga balota ang para sa mga party-list groups.
Ayon sa poll body, gusto lang nilang i-optimize ang ballot paper upang makatipid.
Binigyan-diin ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na nakompromiso ang bilang mga bumoto sa party-list dahil sa pagtitipid na ito ng COMELEC