-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Umakyat na sa 12 katao ang nasawi sa kalat-kalat na sagupaan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawian ng Maguindanao.

Unang nasawi ang dalawang tauhan ng 57th Infantry (Masikap) Battalion Philippine Army na sina Pfc Jovit Sarno at Pfc Raymond Canlog habang 12 ang sugatan.

Umakyat naman sa 10 ang namatay sa BIFF at pito ang nasugatan.

Matatandaan na nagpapatrolya ang tropa ng 57th IB sa Brgy Penditen, Datu Salibo at sa hangganan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao nang makasagupa ang BIFF sa pamumuno ni Kumander Hasan Indal sa ilalim ng grupo ni Kumander Ustadz Karialan.

Dumami naman ang mga sibilyan na lumikas sa bayan ng Datu Salibo at Shariff Saydona Mustapha.

Sa ngayon ay pinagting pa ang pagtugis ng Joint Task Force Central laban sa BIFF na nagtatago sa SPMS box sa Maguindanao.