COTABATO CITY — Kasunod ng naging pag-amin ng BIFF Karialan Faction na sila ang may pakana sa pananambang patay sa apat na sundalo sa Datu Hoffer Maguindanao Sur, tuloy ang mas pinaigting na pagtugis ng 601st Brigade sa mga ito.
Sa panayam kay 601st Brigade Commander BGEN Oriel Libres Pangcog PA, sa ngayon ay tuloy tuloy ang kanilang pursuit opersrions laban sa mga pusakal na teroristang grupo.
Tinawag naman ni BGen. Pangcog na di makatao o anti people ang naging babala ni BIFF Spokespersob Abu Supyan sa mga sibilyan na lumayo sa kampo militar dahil sa mga gagawin nilang pagatake dagdag pa na kung totoong may malasakit sila sa tao at hindi dapat nila ito pinapaalis sa lugar ng kanilang kabuhayan.
Nangako naman ang opisyal na patuloy pa rin nilang proprotektahan ang mga komunidad ng sibilyan na malapit sa mga kampo militar.