Dahil wala na raw hawak na ano mang bihag ang bandidong Abu Sayyaf group (ASG) ay mapapadali na ang pagtugis sa mahigit 200 natitirang miyembro nito sa Mindanao.
Ito ay kasunod na rin ng pagkamatay ng Dutch birdwatcher na si Ewold Horn.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesperson Col. Gerry Besana, si Horn na lang daw kasi ang pumipigil sa all out war ng militar sa Abu Sayyaf dahil ginagamit nila itong panangga kapag magsasagawa ng opensiba ang mga sundalo.
Ang banyagang bihag ng bandido ay noon pang taong 2012 ay pinaniniwalaang pinatay ng Abu Sayyaf matapos tangkaing tumakas sa kasagsagan ng sagupaan ng grupo sa tropa ng militar kahapon sa Patikul sa Sulu.
Sa ngayon, naniniwala si Besana na mas mapapabilis na ang pagtugis sa mga Abu Sayyaf lalo’t wala na silang gagamiting panangga sa operasyon ng militar.