-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinaigting pa sa ngayon nang pinagsanib na pwersa ng PNP at AFP ang pagtugis sa grupo ng BIFF sub-commander na responsable sa pananambang-patay sa hepe ng Ampatuan Municipal Polcie Station at escort nito kamakailan at pagkasugat naman ng tatlong iba pa.

Ito ang inihayag ni Col. Oriel Pangcog, commander ng 601st Brigade Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Pangcog, mayroong pinaigting na koordinasyon na sa ngayon ang AFP, PNP at Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ng MILF para maiwasan ang mis-encounter, ambush at iba pang mga insidente sa gitna ng mga operasyon.

Dagdag pa ng opisyal, napaka importante ang coordination mechanism sa ngayon dahil parte na ito ng ceasefire agreement sa gitna ng gobyero at MILF para sa epektibong paghuli sa mga terorista.

Maliban ditto, mahigpit din nila na kinokondena ang ginawang ng BIFF group na pinamumunuan ni Guipar Abdulkarim at Bantukan Andog alias Cmdr Boy Jocket, Sala Tunda, Johari Abdulbasser Guinaid, Phepe Saptulah, Abdulrah Sapal at isa pang Bro Sapal, Bobot Kamsa alias Borgo nga pinaniniwalaang mga kasapi ng BIFF.

Matatandaan na ang nasabing mga myembro ng BIFF ay may bitbit na kalibre ng baril na siyang tumambang sa grupo ni PLt. Samson na magsisilbi sana ng mandamiento de arresto sa isang most wanted person na nagngangalang Kamir Kambal.

Ipinasiguro naman ng kanilang hanay na gagawing ang lahat para makuha ng mga pamilya ng mga biktimang pulis ang hustisya.