-- Advertisements --

Kaisa umano ng PNP ang AFP sa pagtugis sa mga suspeks na nasa likod ng madugong kambal na pagsabog kahapon sa Jolo, Sulu.

Tiniyak naman ng PNP na gagawin nila ang lahat upang makamit ang katarungan para sa mga biktima ng pagsabog.

Ayon kay PNP chief Gen. Achie Francisco Gamboa, magkatuwang ang pwersa ng militar at pulisya sa probinsiya ng Sulu para tugisin ang mga salarin.

Lahat aniya ng available security forces pina-mobilize ni PNP chief para ma-neutralize ang mga suspeks.

Inatasan na rin ni Gamboa ang pamunuan ng PRO-BAR upang paigtingin ang kanilang mga checkpoints, visibility patrol, at law enforcement operations katuwang ang mga tauhan ng militar sa probinsiya ng Sulu.

Kinondena rin ni Gamboa ang pagsabog na nangyari sa panahon na umiiral ang COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, kinilala ni Gamboa ang kabayanihang ipinamalas ng namatay nilang tauhan na si PSMS Joe Michael A Langbis ng PNP Special Action Force na siyang sumita sa babaeng suicide bomber sa ikalawang pagsabog.

“We join the entire Filipino nation in strong condemnation of this senseless act of terror for whatever motive its perpetrators may have been during this time of the peandemic. While we express our heartfelt condolences to the bereaved family of the deceased and sympathy to the wounded, we assure them of our keen resolve and commitment to bring to justice those responsible for this vicious attack,” pahayag pa ni Gamboa.