-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na pinasalamatan ni Department of Health Undersecretary Dr. Abdullah Dumama, Jr. si Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa patuloy na suporta ng LGU sa mga barangay na sakop ng BARMM laban sa Covid-19.

Sinabi ito ni Dumama kasabay ng launching ng Special Vaccination Day sa Barangay Pedtad at 62 iba pang barangay ng lalawigan ng Cotabato na sakop na ngayon ng BARMM.

Aniya, ang unang bugso ng vaccination sa BARMM barangays ay magsisimula ngayong araw hanggang sa September 8.

Tiniyak naman ni Mayor Gelyn na patuloy ang serbisyo ng LGU Kabacan sa pitong mga barangay ng bayan na sakop na ng BARMM, partikular sa usapin ng kalusugan at social services.

Ikinatuwa naman ni DOH-12 Regional Director Dr. Aristides Concepcion Tan ang hakbang na ito ng LGU Kabacan. Aniya, pagpapakita lamang ito ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan na tulungan ang mamamayan sa laban kontra Covid-19.

Nagpakita rin ng suporta sina DOH-12 Assistant Regional Director Dr. Sulficio Henry Legaspi , kasama si Cotabato IPHO Director Dr. Eva Rabaya, at Cotabato Provincial DOH Officer Dr. Rubelita Aggalut.