-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na patuloy nilang tinututukan ang sitwasyon ng pagbubukas muli ng mga klase sa ilalim ng “new normal” na sistema ng edukasyon.

Sa isang virtual briefing, siniguro ni DepEd Sec. Leonor Briones sa publiko na magiging available ang resulta ng kanilang assessment sa implementasyon ng blended learning kapag nakumpleto na nila ito.

“Kung ano ang resulta ng assessment na ‘yan will always be made public,” wika ni Briones.

Giit pa ng kalhihim, kanilang bibigyan ng solusyon ang anumang hamon na kakaharapin sa implementasyon ng blended learning sa gitna ng krisis sa COVID-19.

“Namo-monitor ito on a day-to-day basis. At saka, kung may challenge na lumalabas, gumagawa tayo ng adjustment,” ani Briones.

Ayon naman kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, titingnan daw nila ang mga best practices ng mga paaralan sa pagpapatupad ng distance learning para maibahagi ito sa ibang mga institusyon.