Bumubuo na ang pamahalaan ng mga bagong pamamaraan para matugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.
Ito ay sa kabila pa ng promosyon sa mga narse sa ibang bansa o pagsuporta sa ibang mga bansa na nagnanais mag-hire ng mga nurse mula sa Pilipinas.
Ayon kay Private Sector Advisory Council-Healthcare Sector Group Lead Paolo Borromeo, nauna nang nagpatawag ng pulong si PBBM upang matugunan ang kakulangan ng mga narse at nagpag-usapan ang pagpapalawak pa sa Clinical Care Associates (CCA) program.
Ang naturang programa ay dinisenyo upang matulungan ang mga nursing graduates na maipasa ang kanilang mga licensure exam.
Kailangan aniyang matulungan ang mga ito na magkaroon ng kanilang lisensya upang agad makahanap ng magandang trabaho o makapasok sa mga ospital ng gobyerno at iba pang government health facilities.
Ayon kay Borromeo, libo-libong mga narse ang matutulungan ng naturnag programa, aniya at maaaring makatugon sa kasalukuyang mababang bilang ng mga narse sa kapsa sa Pilipinas at sa ibayong dagat.
Para masuportahan ang mga narse na nais ding magtrabaho sa ibayong dagat, kasalukuyan na rin umano ang negosasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) sa iba pang mga bansa na nagnanais i-subsidize ang pag-aaral ng mga Filipino nursing students kung saan maaari na rin silang ma-employ sa mga naturang bansa pagkatapos ng pag-aaral.