-- Advertisements --
image 386

Ipinagmalaki ng Department of Transportation (DOTr) na nasa tamang landas ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtugon sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Ito ang inihayag matapos ang isang pagpupulong kasama ang Japan Disaster Relief (JDR) expert team at Philippine Coast Guard (PCG) Incident Management Team sa Oriental Mindoro.

Ibinahagi ng mga Japanese expert ang kanilang obserbasyon sa shoreline clean-up operations sa Barangay Buhay na Tubig, Pola, Oriental Mindoro.

Ayon sa expert team na ang joint clean-up operations ay epektibong nakabawas sa epekto ng oil spill sa coastal area.

Hiniling naman ni Coast Guard Commodore Tuvilla sa Japan expert team na bigyan ang Philippine Coast Guard ng opisyal na ulat sa mga obserbasyon sa malayo sa pampang at baybayin sa patuloy na pagsisikap sa pagtugon para sa pag-monitor ng sitwasyon.