Patuloy na kumakalap ang World Health Organization ng mga pag-aaral hinggil sa tunay na bilang ng mga taong tinamaan ng 2019 coronavirus infectious disease o COVID-19 sa buong mundo.
Ayon kay Dr. Maria Van Kerkhove, technical lead ng health agency sa coronavirus response, ilang linggo o buwan na lamang ang hihintayin ng mga bansa upang malaman kung anong klaseng gamot ang gagamitin para labanan ang virus.
Batay kasi sa isinagawang pag-aaral sa Germany ay aabot ng 2%-14% ng populasyon sa buong mundo ang nakapag-develop ng antibodies matapos magpositibo sa naturang sakit.
Kapansin-pansin din umano na mas mababa ang lebel ng pathogen kaysa sa mga naunang models kung saan nabatid na mas mabilis kumalat ang sakit.
Nakamonitor din aniya ang WHO sa daan-daang COVID-19 drug trials na ginagawa sa iba’t ibang panig ng mundo.