-- Advertisements --

VIGAN CITY – Magandang hakbang ang pagtukoy sa mga political hot spot sa bansa para mapaigting ang seguridad ng publiko at maging ang mga opisyal ng gobyerno ayon sa Department of the Interior and Local Government – Ilocos Sur.

Ito ay kasunod sa pagkakamatay ng ilan sa mga local chief executives sa bansa na kinabibilangan ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay DILG-ILOCOS SUR Provincial Director Randy Dela Rosa, ang utos ni President Ferdinand Marcos Jr. ay magiging daan para maipa-alam sa mga tao at maksyonan ang mga isyu sa mga lugar kung saan mainit ang politika.

Aniya, mapapaigting ang hakbang sa seguridad sa mga lugar at kung sakali ay baka mabigyang pagkakataon ang mga opisyal ng gobyerno na magkaroon nga mga uniformed personnel na magbabantay sakanila.

Hiling nito na anuman ang nangyari sa mga nagdaang araw ay hindi na mau-ulit at magsilbi na itong aral sa lahat.