CAGAYAN DE ORO CITY- Nagagambala ang plano sana ng local government unit (LGU) na magpaabot ng tulong sa mga biktima ng sunod-sunod na lindol sa North Cotabato nang tumama rin ang buhawi sa sentro na bahagi ng Marawi City,Lanao del Sur.
Ito ang pag-amin ni Marawi City Mayor Atty Majul Gandamra na nasa kasasagan sila nang pagpupulong kung ano ang maari nila ipaabot na tulong sa earthquake victims subalit hinagupit rin sila ng buhawe.
Sinabi ni Gandamra na nagtamo ng mga pagkawasak ang session hall ng kanilang city council habang pinalipad ng malakas na hangin ang mga yero mula sa ibang establisemiento at bumagsak sa on going construction gym nila.
Inihayag ni Gandamra na dahil sa pangyayari ay mas uunahin muna nila ang pagtulong sa kanilang mga kababayan nila na nasiraan ng kabahayan.
Dagdag ng alkalde na nasa mahigit-kumulang 40 na kabahayan ang nasawak na nagmula sa mga barangay ng Saber, Green, Luksa Datu, Fort at Sagonsongan na dinaanan ng buhawi.
Bagamat hindi nabanggit ni Gandamra ang tatlong katao unang inuulat ng militar na nasugatan nang inilipad sa malakas na hangin habang nagmamaneho ng kanilang sinasakyang trisikel.
Inaalam pa ng engineering department ng lungsod kung magkaano ang naitalang danyos ng buhawi ng lungsod nitong Lunes ng hapon.
Kung maalala,nabuo ang buhawe mismo sa gitna ng Lake Lanao at dumiretso ito sa sentro na bahagi ng Marawi City.