VIGAN CITY – Hindi umano ipagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang presensya ng mga kandidato sa mga matataong lugar sa Huwebes at Biyernes Santo.
Ito ang binigyang-diin ng Comelec kasabay ng paalala na hindi maaaring mangampanya ang mga kandidato sa nasabing mga araw upang mapanatili ang solemnity ng Holy Week, lalo na sa mga nasabing araw na maituturing na “quiet period.â€
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Comelec spokesman James Jimenez, sinabi nito na kung ang isang kandidato ay makikita sa mga matataong lugar sa mga nasabing araw, huwag umanong kaagad isipin na nangangampanya ito, lalo na kung wala namang isinasagawang campaign rally, motorcade o iba pang paraan na karaniwan nilang ginagawa upang mangampanya.
Paglilinaw ni Jimenez, kahit umano tumatakbo ang mga kandidato sa darating na May 13 midterm election ay may personal pa rin silang buhay kaya posibleng may sarili rin silang pamamaraan ng obserbasyon ng Semana Santa.