BAGUIO CITY – Iminungkahi ng mga magsasaka sa Benguet at Mountain Province ang pagtutok ng nasyonal na pamahalaan sa modernisasyon sa mga makina at mga kagamitan sa pagsasaka.
Iginiit ni Agot Balanoy, tagapagsalita ng mga liga ng mga asosasyon ng mga magsasaka sa Benguet na masyado nang luma ang mga ginagamit ng Pilipinas sa pagsasaka.
Aniya, marami ang mga programa ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng ng teknolohiya ng pagsasaka ngunit kulang ito sa implementasyon.
Iminungkahi niya na muling pag-aralan ang sitwasyon ng agrikultura sa bansa para makabuo ng long term at short term solutions.
Dagdag pa niya na maliban sa mga farm-to-market roads ay kailangan ding tutukan ng pamahalaan ang mechanization sa agrikultura para makasabay ang Pilipinas sa ibang bansa.