-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sisimulan na ng binuong Regional Inter-Agency Task Force ang imbestigasyon sa iba’t-ibang investment schemes sa Davao Region lalo na ang mga may kulang na dokumento o hindi angkop sa kanilang negosyo ang inapply na permit.

Pangungunahan mismo ang nasabing Task Force ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng otoridad.

Plano ngayon ng binuong task force na kumuha ng permit ang mga magsisilbing agent ng mga kompanya para ma-regulate ang mga indibidwal na nanghihikayat ng mga tao na pumasok sa investment schemes.

Nauna nang sinabi ni Police Regional Office (PRO) 11 spokesperson Police Major Jason Baria, na mahigpit pa rin nila na binabantayan ang mga pulis na nag-invest sa mga investment schemes.

Posible pa nga raw nialng sampahan ng kaso ang mga ito.

Samantala, sinabi naman ni Col. Nolasco Mempin, commander ng 1003rd Infantry Battalion ng Philippine Army, na kanila na ring pinayuhan ang kanilang mga miyembro na huwag sumali sa mga investment schemes.

Maaari raw kasi itong magdulot ng malaking problema sa darating na panahon.