-- Advertisements --

Muling hinikayat ng Kagawaran ng Pagsasaka ang mga ahensya ng pamahalaan ay mga empleyado ng pamahalaan na magtulungan upang matutukan at mapatatag ang food security sa bansa.

Ito ay upang matugunan ang epekto ng El Nino, lalo na sa susunod na taon.

Malaking tulong aniya ang pagpupursige ng mga ahensya ng pamahalaan upang mapatatag ang food security, sa pamamagitan ng iba’t ibang aspeto.

Para sa panig ng DA, nangako naman ang kalihim na lalo pa itong determinado upang palakasin ang produksyon ng mga agri products sa bansa, sa kabila ng ilang mga hamon laban dito.

Muli ring binigyang-diin ng kalihim ang kautusan ni PBBM na pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan, at hindi lamang ang mga bahagi ng El Nino Task Force.

Una nang sinabi ng DA na tiyak ang magiging epekto ng El Nino sa food production ng bansa, lalo na sa produksyon ng palay na siyang pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Ang naturang produkto kasi ay nakadepende sa presensya ng tubig, upang lumaki at makapaghatid ng sapat na produksyon.