Kampante ang Department of Agriculture (DA) na magiging istratehiko ang pagkikipagtulungan nito sa Food and Drug Administration (FDA) para malabanan ang agricultural smuggling sa Pilipinas.
Una rito ay napagkasunduan nina DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at FDA Director General Samuel Zacate na bumuo ng isang Memorandum of Understanding (MOU) para mapalakas ang naturang kampanya.
Target ng dalawa na palakasin ang border control at hulihin ang mga importer na smuggler na nagmamanipula sa proseso ng importasyon sa bansa. Pangunahing target ng kooperasyon ng dalawa ang mga nagpapapasok ng mga processed foods.
Ayo kay Agri Sec Laurel Jr, ang pagtutulungan ng dalawa ay mahalaga upang mainspeksyon at mamonitor ang mga pumapasok na produkto.
Maliban kasi aniya sa epekto sa ekonomiya, malaki rin ang panganib na maaaring dulot ng mga ito sa katawan o kalusugan ng mga mamamayan posibleng bibili sa mga ito.