COTABATO CITY – Magsisimula ang holy fasting period ng Ramadan ngayon taon sa araw ng Linggo, April 03, matapos na bigong makita ang buwan sa naging traditional moon-sighting activity ng mga Muslim leaders, alas otso kagabi, April 01.
Ito ay idineklara mismo ni Bangsamoro Grand Mufti Abuhuraira Udasan, sa BARMM Compound na dinaluhan ng mga bangsamoro at mga kagawad ng media.
“Bismillah al-Rahman al-Rahim, by virtue of the authority vested in me as Bangsamoro Mufti I hereby announce that the first fasting day of Ramadan will be on Sunday, April 3, 2022.” Ani Udasan.
Ang schedule kasi ng Ramadan ay dumedepende sa Islamic lunar calendar.
Dito tinitignan nila ang bagong cresent moon na siyang pinagbabasehan para sa pagsisimula ng kanilang fasting period.
Sa tradisyon na isang buwan na Islamic tradition, ang mga Muslim sa buong mundo ay nagpa-fasting at nadarasal mula madaling araw hanggang dapit-hapon.
Inilalaan nila ang kanilang oras sa pagdrasal, fasting, charity works at religious devotions.
Mahalaga ang Ramadan para sa mga mananampalatayang Muslim dahil ito ay kasali sa 5 pillars of Islam.
Ibig sabihin sa limang haligi ng Islam ay kasali ang pag a-ayuno, at kung sinuman aniya ang susunod sa utos na ito ay papatawarin ng Allah Subhanahu Wa Ta’ala ang kaniyang mga kasalanang nagawa.
Samantala, malaki ang paniniwala ng grand mufti na maibabalik na ang Congregational at Tarawi Prayer sa Mosque, dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID19 sa BARMM.
“Now, I believe that we can now perform the congregational prayer and the tarawi prayer as we wish”. Dagdag pa ni Udasan.