-- Advertisements --

CEBU CITY – Naiintindihan ng panig ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang academic freedom ng University of the Philippines (UP).

Ito ay matapos winakasan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang UP-DND na pumapayag na makapasok ang mga pulis at militar sa nasabing unibersidad.

Ayon kay Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) Assistant Secretary Jonjie Gonzales na ang mga kabataan ang target ng mga komunista at ginawang breeding ground nito ang mga paaralan tulad ng University of the Philippines.

Aprubado kay Gonzales ang pagwakas sa agreement para ma-protektahan ng mga pulis ang paaralan laban sa mga komunista.

Higit pa riyan, nililingla lamang ng mga terorista ang ideyalismo ng mga kabataan.

Payo nito sa mga mag-aaral ng University of the Philippines na maging mapangmatyag lalo nat nakikita nito ang pagiging aktibista ng karamihan.