Mistulang napawi agad ang kilig ng fans ng bagong magka-loveteam na sina Jane de Leon at Joshua Garcia.
Ito’y matapos ibunyag ni Jane na siya pala ay nakaranas ng wardrobe malfunction kaya napayakap siya kay Joshua habang kumakanta sa closing number ng Christmas Special ng Kapamilya Network.
Sa una ay magkatabi lamang ang dalawa kasama ang iba pang kasamahang artista nang biglang yumakap na ang 23-year-old actress habang nasa harap niya ang 24-year-old actor.
Dito na bumaha ng kilig comments para sa inaakalang nagkakamabutihan na ang mga ito, ngunit may mga nakapansin din sa pagtakip ni Jane sa kanyang kanang dibdib hanggang sa mapag-alaman na napigtas pala ang strap ng suot nitong cocktail dress.
“Thank you @iamjoshuagarcia for helping me cover my wardrobe malfunction!” ang tweet ni de Leon.
May mga impormasyon din na pinahiram pa ni Garcia ang kanyang blazer kay Jane matapos ang wardrobe mishap.
Sina Jane at Joshua ay magkatambal sa film remake ni Direk Chito S. Rono sa “Darna” ni Mars Ravelo.