-- Advertisements --

Kumpleto na at handang-handa na ang mga preperasyon ng mga opisyal ng Quiapo Church para sa gaganaping ‘Pahalik’ ng Poong Hesus Nazareno sa Quirino Grandstand sa Martes, Enero 7.

Ayon kay Nazareno 2025 at Quiapo Church spokesperson Fr. Robert Arellano, magkakaroon ng misa para sa mga volunteers sa para sa Pista ng Hesus Nazareno sa Lunes bago ang pahalik kinabukasan.

Nagpaalala naman ang tagapagsalita sa mga pupunta at mga deboto na huwag aakyatan ang andas at sumunod sa mga patakaran para sa darating na Traslacion.

Magtatagal naman hanggang mismong pista sa Enero 9 ang pahalik na magsisimula naman ngayong Martes ng madaling araw.

Samantala, ilalabas naman ang 400 na taong gulang na imahe ng Hesus Nazareno sa mismong araw ng pahalik para bigyang dan ang misa ngayong Lunes sa naturang simbahan.