Itutuloy ng pamilyang Duterte ang taunang pamimigay ng aguinaldo tuwing Pasko matapos ang dalawang taong pagkaantala nito dahil sa pandemya.
Balik face-to-face set up na ang nakasanayang tradisyon ng pinakakilalang pamilya dito sa Davao City kung saan pinupuntahan ng mga Dabawenyo ang tahanan ni former President Rodrigo Duterte upang makatanggap ng pamasko.
Inilahad ni Davao City Police Office spokesperson Police Major Catherine dela Rey na ipatutupad ang mahigpit na seguridad sa kahabaan ng Taal Road, Central Park Subdivision sa Barangay Bangkal, nitong lungsod.
Magpapakalat ng mahigit apat na libong security personnel sa mismong araw ng gift-giving na binubuo ng kapulisan, kasundaluhan, at mga personahe ng City Transport and Traffic Management Office.
Inaasahan na ang influx ng mga tao na dadalo sa bahay ng mga Duterte sa araw ng Pasko na makakatanggap ng mga grocery packs.
Matatandaan noong nakaraang taon, libo-libong Davaoeno ang nakatanggap ng gift packs ngunit marami din ang mas piniling ibigay na lamang ang food packs sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng Save Davao QR code.