-- Advertisements --

LAOAG CITY – Itinuring na mind conditioning ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na voluntary ang pagbabayad ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ng contribution sa Philhealth.

Sa report ni Bombo International News Correspondent Demetrio Rafanan ng Rome, Italy, kailangan umano ng mga overseas Filipino workers na magpalabas ang gobyerno ng memorandum circular na hindi compulsory ang pagbabayad sa Philhealth.

Sinabi ni Rafanan, ang Memorandum Circular 2020-0014 ay nananatili parin at hindi inaalis dahilan na hindi sila titigil sa panawagang ibasura ito.