-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inilarawan ng isang Afghan journalist ang sitwasyon sa Afghanistan lalo na sa kapital na lungsod ng Kabul na nasa kontrol na ngayon ng Taliban militants.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mir Wais Jalalzai direkta sa Kabul City, sinabi nito na katulad ng military coup o kudeta ang nangyari sa kanilang lungsod.

Pahayag ni Jalalzai, walang patutunguhan ang mga Afghans lalo na’t walang maituturing na formal government o government structure.

Pinasinungalingan naman ng journalist ang pahayag ng Taliban na walang mangyayaring karahasan sa kanilang pamumuno.

Ayon kay Jalalzai, sa ngayon puno ng takot ang mga tao lalo na ang mga kababaihan na pinipilit na magpakasal sa mga Taliban militants at gawing sex slaves ang mga ito.