Kinatigan ng mga senador ang naging pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro na dapat itigil ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO malapit sa military bases ng bansa.
Ayon kay Escudero malinaw na tinutukoy ni Secretary Teodoro ang mga ilegal na operasyon ng POGO dahil sinabi nito na hindi nag ooperate ayon sa kanilang nilalayon.
Ngunit kung tutuusin aniya ay dapat isara ang lahat ng ilegal na POGO malapit o malayo man sa base militar.
Bukod dito, nararapat din aniyang arestuhin ang mga nasa likod ng illegal POGO.
Samantala, sinabi naman ni Senadora Loren Legarda na banta sa seguridad ng bansa ang POGO.
Ang mga kamakailang natuklasan sa POGO hub ay lubhang nakababahala sa karapatang pantao at pambansang seguridad.
Pinade-deport din ni Legarda ang mailand chinese na iligal na nag-o-operate ng POGO, lalo na ang mga sangkot sa mga kriminal na aktibidad para na rin sa kapakanan ng mga Pilipino.