-- Advertisements --

NAGA CITY – Natawa na lamang ang isang pari ng Archdiocese of Caceres matapos matanong sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ng magkaroon ng reporma ang simbahan at mag-asawa na lamang ang mga pari upang maiwasan na madagdagan pa ang mga kaso ng sexual abuse na kinasasangkutan ng ilang alagad ng simbahan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Fr. Joey Gonzaga ng Holy Rosary Major Seminary, sinabi nito na noon pa man umano ay hindi na pinapayagan ang pag-aasawa ng pari tulad ng Panginoon.

Magiging divided umano kasi ang atensyon ng isang pari sakaling magkaroon itong sariling pamilya.

Samantala, binigyaan diin naman ni Gonzaga na ang pagreporma umano ng simbahan ay palagi naman na nirereporma dahil isa ito sa mga mahalagang bagay.

Hindi lamang umano simbahan ang dapat nagrereporma kundi lahat ng tao sa pamamagitan ng self reflection at self reformation.

Aniya ang mga obispo at pari naman ay nagkakaroon ng ganitong aktibidad upang makapagmuni-muni mismo sa kanilang mga sarili kung may mga mali na dapat itama.