Naniniwala ang bagong talaga na Palace Press Officer na si Usec Claire Castro na ang pahayag ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na lumilihis ang administrasyong Marcos tungo sa isang diktadurya na pamamahala ay malinaw na pang-iintriga at pag-planta ng ebidensiya.
Sa isang panayam sinabi ni Castro na walang ebidensiya na magpapatunay sa alegasyon ng dating Pangulo.
Kaya panawagan ni Castro sa publiko huwag maniwala sa mga sinasabi ng dating Pangulo.
Dagdag pa ni Castro ang malinaw din ay nais ng mga Duterte na makuha muli ang power.
Tinukoy ni Usec Castro ang naging kaso ni dating Senator Leila De Lima na tinaniman ng mga ebidensiya at nakulong ito kahit walang kasalanan.
Sa kabilang dako, nagbigay na rin ng pahayag si ES Lucas Bersamin at sinabing walang katotohanan ang pahayag ng dating Pangulo, bagkus ito ang naghahanda para ilihis ang bansa tungo sa isang pamamahala na wala ng katiyakan ang buhay ng isang tao, at walang paggalang sa karapatang pantao.
“Ang una po sinabi diyan noon, ano ebidensya? paano mapapatunayan. katulad ng sinabi ko, hindi tayo puwede maniwala sa mga pagiintriga lang na walang ebidensya. At ito naman siguro natatandaan ninyo nung panahon ni dating pangulong duterte. inamin niya nung piskal pa lang siya, expert na siya sa pag-intriga at pagplanta ng ebidensya, napatunayan natin iyan sa panahon ni Sen. Leila de Lima, so ano ba yung ating i-expect sa dating Pangulo Duterte,” pahayag ni Atty. Claire Castro.