NAGA CITY – Nagkakaroon na umano ng kalituhan sa mga mamamayan ng Hong Kong ang mga pahayag ni Chief Executive Carrie Lam patungkol sa panukalang Extradition Bill.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong bagama’t sinabi ni Lam na “dead on its tract” na ang usapin, ngunit may iba’t-ibang interpretasyon aniya ang naturang pahayag.
Ayon kay Sadiosa, sa mga English residents ang ibig sabihin nito ay tuluyan nang ibinasura ang panukala ngunit sa interpretasyon naman ng mga Chinese, itinabi lamang ito ngunit nakabinbin pa rin at anumang oras o panahyon ay pwedeng buhayin.
Kaugnay nito, nanindigan aniya ang mga residente ng Hong Kong na hindi sila matatahimik hanggang sa hindi natitiyak ni Lam na tuluyan nang binura at ibinasura ang kontrobersyal na panukala.