Nag-upload si Liza Soberano ng mahabang video sa kanyang YouTube channel noong Linggo patungkol sa kanyang personal growth mula nang lumipat siya sa bagong management agency at ipinahayag ang nararamdaman niya.
Nagsimula siya sa pamamagitan ng pag-elaborate sa kanyang unang bagong Instagram post na sinamahan ng isang taos-pusong tula pagkatapos niyang linisin ang kanyang Instagram feed noong nakaraan araw.
Aniya “Those photos actually came from a self-produced fun photoshoot with the one and only Shaira Luna. One of my favorite layouts out of eight that we did – as we were shooting, we kind of got inspired by one of my favorites, up and coming director slash author Sarah Bahbah.”
Para sa layout, sinabi ni Soberano na pinaglaruan lang nila ang konsepto ng pagiging selosa sa isang bulaklak. Ang tula naman ay tila si Soberano na nagpapahayag ng kanyang mga pag-asa at pangarap at pagkabigo.
Dagdag pa niya “I am 25 years old now and I think people forget that I’ve been working for 13 years now, since I was 12 years old. I’ve been in six feature films, over 500 episodes of teleseryes and have only really dabbled into three main genres – romance, comedy and drama. Since I was 16, I had only really worked side by side with one main co-star, with the same production company, rotating around the same three directors,”
Aniya pa sa lahat ng mga taon na iyon, hindi raw siya hiningan ng kanyang input, kanyang mga iniisip, at ideya. Pakiramdam niya raw ay tila sinasabihan siya na maging isang bulaklak lamang sa loob ng mahabang panahon. At sa wakas ay nagsimula niya nang tuklasin ang isang mundo ng pagiging malikhain at magagawa niya na aniyang magkuwento ng kanyang istorya.