-- Advertisements --
Umani ng negatibong komento ang naging pahayag ni Phillip Salvador laban sa kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito sa sagot ng actor na “mamatay kayong lahat” sa lahat ng kritiko ng pangulo.
Isinagawa nito ang pahayag ng makapanayam ito sa kasagsagan ng ikaapat na State of Nation Address ni Pangulong Duterte.
Inulan ng iba’t-ibang komento mula sa netizen ang naging pahayag nito ng actor kung saan sinabi ng karamihan ang pagiging sobrang sipsip ng actor sa pangulo.
May ilan pa ang naglabas ng mga iba’t-ibang memes dahil sa pagiging epal ng actor.
Magugunitang kabilang ang actor kasama ang kapwa artista nitong sina Robin Padilla at Bayani Agbayani na dumalo sa SONA ng Pangulong Duterte.