Umani ng magkakahalong reaksyon ang naging pahayag ni US President Donald Trump na handa nilang i-take over ang Gaza.
Sinabi ni United Nations Secretary Generals spokesperson Stephane Dujarric na ang pahayag na ito ni Trump ay mas lalong pinapalala pa ang problema.
Mahalaga aniya na sumunod na lamang sa itinakda ng international law at iwasan ang anumang ethnic cleansing.
Nagbabala rin ang United Nations Human Rights Office na ang puwersahang paglipat o pagpapaalis sa mga tao mula sa occupied territory ay isang paglabag sa international law.
Marapat na isulong na lamang ang ceasefire para tuluyang mahinto ang kaguluhan.
Una ng kinontra ng Palestinians, Egypt, Jordan at Saudi Arabia.
Magugunitang ipinagpipilitan ni Trump na marami ang sumang-ayon sa kaniyang proposal.
Isinagawa ni Trump ang pahayag matapos ang pagpupulong niya ng bisitahin siya ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.