Itinuturing na seryosong banta ng Malakanang sa kaligtasan ng Chief Executive ang binitiwang salita ni VP Sara Duterte.
Ayon sa Presidential Communications Office, anumang banta na may kinalaman sa buhay ng Presidente ay hindi maaaring ipagkibit balikat lalot ang salitang binitiwan ng ikalawang pangulo ay ginawa sa publiko.
Inihayag kasi ng Bise Presidente na may kinuha siyang assassin para patayin ang Pangulo sakaling magtagumpay ang isang plot laban sa kanya.
Kaugnay nitoy sinabi ng PCO na kumilos na ang tanggapan ng Executive Secretary ukol dito at nai-coordinate na sa Presidential Security Command ang aniya’y active threat kay Pangulong Marcos.
Ayon sa PCO for immediate proper action ang kautusan para sa kaligtasan ng Pangulo.
“The Executive Secretary has referred this active threat to the Presidential Security Command for immediate proper action. Any threat to the life of the President must always be taken seriously, more so that this threat has been publicly revealed in clear and certain terms,” saad ng pahayag mula sa Presidential Communications Office.