-- Advertisements --
GENSAN SANTOS CITY – Nakapagdesisyon na umano ang karamihan sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea na mag-voluntary exit na lang dahil sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa ulat ng Bombo correspondent sa Daegu City sa South Korea na si Kim Carlo dela Cruz, sinabi nito na pahirapan ang pila sa mga nais magpalista upang mag-voluntary exit hindi tulad ng dati.
Ayon dito, karamihan sa mga OFW ay natapos na ang kanilang kontrata.
Maliban sa mga Filipino mayroon ding ibang foreign workers ang gustong mag-voluntary exit.
Samantala, mabibilang na lang umano ang mga public transport na bumabiyahe sa South Korea.