Kakulangan sa qualification at edukasyon ang nakikitang dahilan ng mga tao kung bakit nahihirapan ang iilan sa paghahanap ng trabaho..
Sa ngayon kasi ayon sa Social Weather Stations nasa 69% ng mga Pinoy ang todo kayod o nahihirapang makapaghanap ng magandang trabaho.
Ito raw ay naka base sa isinagawang survey noong Marso kung saan 1200 na indibidwal ang nakilahok.
Lumabas sa resulta na 16% ang nagsabing hindi madali ang paghahanap ng trabaho at 11% naman ang nagsabing nakakapaghanap naman agad sila ng trabaho.
Ayon kay Ramir Matugas, isang tricycle driver sa panahon ngayon ay marami nang mga requirements at qualification para makapasok sa isang kompanya.
Dagdag pa niya, ito marahil ang dahilan kaya marami ang nahihirapan na makapagtrabaho.
Samantala, wala umano silang nakikitang problema sa gobyerno, sa halip ay naka depende raw ang pagkakaroon ng trabaho sa bawat indibidwal.
Ayon kay Elmer Mendoza, isang dialysis patient ngunit namamasada parin ang kakulangan raw talaga sa pinag aralan ang isa sa mga dahilan.
Taong 2011 pa lamang raw ayon sa Social Weather Stations ay marami na talaga ang nahihirapan sa paghahanap ng trabaho.
Ngunit mayroon naman 50% na respondents sa kanilang isinagawang survey ang naniniwala na maraming magbubukas na oportunidad sa susunod na taon at nasa 26% naman ang nagsasabing walang mangyayaring pagbabago samantalang 14% naman ang naniniwalang kaunti lamang ang magbubukas na trabaho at 14% ang nagsabing hindi nila alam ang posibleng mangyari sa susunod na taon.